Wika ng Pagkakaisa
Wika, ano ito? Ano ang maitutulong ng wika sa ating bansa?
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Halip naman ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnayan na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Lahat ng bansa ay gumagamit ng wika bilang isang ango ng pakikipag-usap o pakikipag-komunikasyon. Dito sa ating bansa, tayo ay nagkakaisa dahil sa wika natin. Ang wikang pambansa natin na Filipino ay simbolo ito ng pagkakaunawaan dito sa ating bansa. At kung tayo ay nagkakaunawaan at nagkakaintindihan, tayo ay may pagkakaisa.
Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag natin ang ating mga kaisipan at naipapaliwanag din natin at ito ay nakatutulong upang tayo ay magkaisa at magtutulungan. Yan ang wika, kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkalibutan.